DYARYO TIRADA
VP Sara, binisita ang puntod ng mga biktima ng Yolanda bago ang Undas
Binisita ni Vice President Sara Duterte ang himlayan ng mga nasawing biktima ng Super Typhoon Yolanda sa Tacloban City ilang araw bago ang Undas.
Nagtungo ang ikalawang pangulo sa Holy Cross Memorial Gardens nitong Biyernes, Oktubre 30, kasama ang mga tauhan ng Office of the Vice President (OVP).
Nagsindi ng kandila, nag-alay ng mga bulaklak at naghandog ng panalangin ang Bise Presidente bilang paggunita sa mga nasawi.
Hinimok din niya ang publiko na alalahanin at ipagdasal ang lahat ng mga pumanaw dahil sa iba’t ibang kalamidad.