DYARYO TIRADA
DoTr at MRT-3, magkakaloob ng libreng sakay para sa mga kabataan
Magkakaroon ng libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) at MRT-3 para sa mga batang edad 17 pababa sa Miyerkules, Nobyembre 4, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, maaaring makagamit ng libreng biyahe ang mga kabataan mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi.
Saklaw ng naturang programa ang mga biyaheng bumabagtas sa EDSA, mula Taft Avenue sa Pasay City hanggang North Avenue sa Quezon City.
Layunin ng inisyatibong ito na mabawasan ang gastusin sa pamasahe ng mga kabataan, gayundin ang maipakita ang pagpapahalaga ng pamahalaan sa kanilang kapakanan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Bata.