DYARYO TIRADA
Imelda Schweighart binanatan
Hindi pinalampas ng dalawang gay personalities ang Miss Earth Philippines 2016 na si Imelda Schweighart matapos niyang sabihing one-sided ang mga bakla.
"One sided ang mga bakla noh? Hoy, remember, be humble and remember that you are gay because of your s*xual preference NOT because you wanna save the world. Educate yourselves that being gay is all about s*x. Be humble hindi yung mukha ka na ngang parody ng babae, ugali mo bakulaw pa.”
Yan ang post ni Imelda sa kanyang social media account
Pinalagan ito ni Inah Evans o mas kilala sa tawag na "Ate Dick."
"Si Imelda, mangpo-provoke, mang-a4way. Ngayong pinatulan at binanta4n, maglalabas ng victim card. T4ngina mo kang g*go ka," say ni Inah.
Nag-react naman ang beauty queen na si Lars Pacheco, sa claim ni Imelda na nakakatanggap umano siya ng pagbabanta mula sa gays.
"Okay, I'm getting thre4ts from gays. I will let you physically ass4ult me. Mukhang hindi kayo mapipigilan. If I do my grocery and something happens to me, just know from what "community" it was," say ni Imelda sa isang post.
"Ayan na, victim card na si mama mama. Mag grocery daw siya at pag may krumompal daw sa kanya alam na daw kung kaninong community. It won't happen [because] we're still GENTLEMEN. We will just assist you to the exit and say, "this way please" just like your pageant days. Left exit are for the unplaced," reaksyon naman ni Lars.
Pinatulan din ni Lars ang tila pa-essay question ni Imelda: "Explain postpartum vs hallucinations from all the pills."
"Ang POSTPARTUM ay ang panahon pagkatapos manganak ng isang babae... Karaniwang tumatagal ang unang 6 na linggo ng postpartum recovery, pero maaaring abutin ng ilang buwan bago tuluyang makabawi ang katawan.
"Samantalang ang HALLUCINATION naman ay gagawa ng g4lit sa buong kabaklaan dahil iniisip mo na kaya ka walang naging korona ay may humarang na bakla sa pangarap mong maging kwinanginamers."
Hindi ito pinalampas ni Imelda na nagreact nang ganito: "Open letter" to the sirs. Ang ine-explain lang po ni Lars, ang pills daw po na tine-take nila which is Diane or Yaz na isang banig lang a month sa "totoong babae" at sakanila namang men ay 100 na banig per month, para matanggal ang adams apple etc... ay PARA hindi po magkaanak ang totoong babae, birth control pills kasi yung nilalagok nila para maging "malambot," Pero bakit hindi ako nalalambutan?"
Tila walang katapusan ang bangayang ito na sinimulan ni Imelda.