DYARYO TIRADA
Bilang ng mga Pilipinong nakakaranas ng gutom, tumaas sa 22.6%
Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong nakararanas ng gutom sa ikatlong quarter ng 2026, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ayon sa survey na isinagawa noong Setyembre, 22.6% ng mga respondent ang nagsabing nakaranas sila ng gutom at walang makain kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan. Mas mataas ito kumpara sa 20.3% na naitala noong Hunyo.
Sa kabuuang bilang, 16.2% ang nakaranas ng katamtamang gutom, habang 6.4% naman ang nakaranas ng matinding gutom.
Pinakamataas ang antas ng gutom sa Metro Manila na umabot sa 27%, na sinundan ng Mindanao, natitirang bahagi ng Luzon, at Visayas.
Samantala, tumaas din sa 27.9% ang bilang ng mga pamilyang mahihirap na nakaranas ng gutom, mula sa dating 24.5%.