Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Buhay pa, nakaburol na? Dalagita sa Guatemala nasa kabaong na, gumalaw pa

Jonas Reyes · Oct 14, 2026, 12:18 AM

Carlos Moreno Reporta

Kasalukuyang nakaburol ang isang kinse anyos na dalagita nang bigla siyang nakitang gumalaw sa loob ng kanyang kabaong sa may El Jocote sa bayan ng Sacapulas, Guatemala nitong 10 Oktubre 2026.

Ayon sa mga nakasaksi, nakita nila na gumalaw ang dalagitang si Yuleidy Ixcotovac sa loob ng kanyang kabaong kaya bigla itong binuksan at niyakap ng amang si Abraham Ixcotovac.

Ayon kay Abraham, nawalan ng malay si Yuleidy pagkatapos makaramdam ng pagsakit ng dibdib habang dinadala ang dalagita sa malapit na health center. Sa pagkakataong iyon, tinabi ni Abraham ang sasakyan at sinuri ang dalagitang anya'y hindi na humihinga at wala nang pulso.

Naniniwalang patay na si Yuleidy, dinala na ng ama ang dalagita sa isang punerarya at bumili na ng kabaong para sa kanyang burol sa kanilang bahay.

Mga walong araw habang pinaglalamayan ang dalagita, napuna ng mga nakikiramay na may gumagalaw sa loob ng kabaong. Bigla na lang daw dumilat si Yuleidy, umupo, at nagsalita.

Kitang kita sa video ang pagkabigla ng mga nakikiramay at biglang nagviral ang naturang video sa internet.

Kasalukuyang nagpapagaling si Yuleidy sa kanilang bahay. Habang sinasabi ng pamilya at kamaganak ni Yuleidy na isang himala ang pangyayari, ang mga netizen naman ay nagsabing nagkulang sa tamang medical observation ang ama.

Ang iba naman ay nagsabing nagkaroon ng deep fainting spell, severe shock of catalepsy si Yuleidy na dahilan upang siya ay mawalan ng paggalaw at biglang pagbagal ng pulso.