Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Shuvee Etrata bumili ng van para sa pamilya

Alex Brosas · Oct 12, 2026, 2:52 PM

DREAM ni Shuvee Etrata na magkaroon sila ng malaking sasakyan na kasya ang buong pamilya. — Facebook

Tinupad ng Kapuso actress at dating PBB housemate na si Shuvee Etrata ang kanyang matagal ng pangarap na makabili ng kauna-unahang family car.

Sa Facebook ay proud na proud na ipinakita ni Shuvee ang kanyang bagong bili na van. Kasama niya ang kanyang buong pamilya nang mag-pose siya sa tabi ng kanyang van.

Malaki ang pamilya ni Shuvee. Siyam silang magkakapatid at siya ang panganay. Dream ni Shuvee na magkaroon sila ng malaking sasakyan na kasya ang buong pamilya.

"Mga bagay na wala kami noon, nararanasan na namin nang magkakasama ngayon," say ni Shuvee sa caption sa kanyang Facebook post.

Puring-puri si Shuvee ng kanyang mga fans.

"Wow nakkatouch naman Ang Shuvee Etrata Namin. no wonder marami Kang blessings Kasi mabuti Kang anak, kahit may hinanakit ka sa parents mo dati pero nanaig Yung Pagmamahal mo sa kanila kaya lahat ginawa mo para sa pamilya mo. Mas pinili mo pa rin na tulungan Sila kesa sa sarili mo. Sana maraming anak pa Ang maging katulad mo. Hindi mo Pinairal Yung galit o sama Ng loob sa parents mo, mas nangibabaw sayo Yung Pagmamahal mo sa knila kaya napaka bless din Ng mga magulang at mga Kapatid mo sayo. Nakaka inspired ka talaga Shuvee."

"Congrats Shuveedoo!!! Grabe yung kinang ng mata ni tito habang kinukwento nya samin yung bigay mong van. Nakakaproud ka beh!"

"Congrats Ms Shuvee! Kudos to your kind heart.

This is 'pagmamahal' not 'obligasyon'. Kasi pag mahal mo, mas sobra pa ibibigay mo kagaya niyan."

"Wow Hindi pa masyado mayaman SI Shuvee pro binigay na nya nararapat pra sa mga magulang, unlike Yulo Brothers."