Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Chinese national na sangkot sa illegal POGO operations, arestado

Michael Pingol · Oct 12, 2026, 10:09 PM

Arestado ang isang Chinese national na umano’y sangkot sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), kinilala ang suspek na si Huang Mingmin, na naaresto sa K1 Center Building sa Barangay Tambo, Parañaque City.

Batay sa ulat, gumagamit umano si Huang ng iba’t-ibang alyas upang itago ang kaniyang pagkakakilanlan.

Kabilang sa mga kasong kinakaharap ng suspek ang qualified human trafficking o kuwalipikadong trafficking in persons.