Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Ryan Bang pinabulaanang babaero siya, nanakit ng babae

Marie Cris Estrada · Oct 8, 2026, 9:04 PM

Its Showtime host Ryan Bang reveals special birthday mission — Ryan Bang FB

Mariing itinanggi ng It’s Showtime host na si Ryan Bang na babaero siya matapos usisain ng Korean best friend niyang si Willy Song sa isang YouTube vlog.

“Since first girlfriend ko hanggang ngayon, eh, tatlo lang naging girlfriends ko after 18 years old. O, paano naging babaero du’n?” depensa ni Ryan.

Itinanggi rin niyang may pinisikal siya sa buong buhay niya.

“Kahit anong edad ko, high school, nu’ng bata, kahit sa Korea at hanggang ngayon na 35 na ako, ‘yung nanakit talaga physically kahit sino, kahit anong gender, lalaki o LGBTQ, lalo na babae, never ako talaga,” giit niya.

Pagdating naman sa mga ex, sinabi ni Ryan na hindi na siya basta nakikipag-ugnayan sa mga ito bilang respeto sa kanilang mga bagong relasyon.

“Dito po ako lumaki sa Pilipinas. So, marunong ako kung paano rumespeto,” aniya.

Aminado rin siyang marami siyang natutunan sa mga nakaraang relasyon at mas naging mature dahil dito.

Maaalalang nagbahagi kamakailang ang ex-fiancée ni Bang na si Paola Huyong ng quote na nagsasabing "a clean reputation doesn't automatically mean clean hands" bagay para umugong ang agam-agam tungkol sa kanilang hiwalayan.