DYARYO TIRADA
Robb Guinto naiyak sa split kay Yasser Mata
Na-hurt si Robb Guinto sa sinabi ng ex-boyftiend niyang si Yasser Marta sa “Fast Talk with Boy Abunda” recently.
Sa interview kasi ni Yasser, parang pinalabas niyang kaya sila naghiwalay ni Robb ay dahil naging unfaithful ang dalaga. Na mayroon siyang isa pang boyfriend.
“Dapat kami na lang, kami na lang ang nag-usap. Pero kasi ang nangyari parang… bago siya nagsabi in public dapat ako muna yung kinausap niya. Dapat kahit ano kinunsider niya yung feelings ko. Kasi ganun naman kapag magkarelasyon dapat kayo yung nagsosolusyon sa isa’t isa, kayo yung nag-uusap,” say ni Robb sa Tiktok.
Umiiyak na sinabi ng sexy actress na hindi niya maunawaan kung bakit nagsalita ng ganoon si Yasser. Bago pa man sumalang ang aktor sa show ni Kuya Boy ay nagkausap pa sila. Maayos naman ang kanilang breakup.
“Hindi ko maintindihan ang kanyang ginawa, ang kanyang sinabi na mayroon kaming pinagdadaanan gayung break na kami at nakipaghiwalay na ako sa kanya? Ano ang kanyang purpose? Dahil ba sa nagpo-promote siya ng kanyang show?,” umiiyak na sabi ni Robb.
Natanong kasi ni Boy kung kumusta na ang relasyon ni Yasser kay Robb.
Noong una, ayaw pang sagutin ni Yasser ang tanong hanggang nagpasya siyang sabihin na mayroon silang pinagdadaanan, hanggang ni-reveal niya na kaya siya nakipaghiwalay sa VMX actress ay dahil mayroon siyang karelasyong ibang lalaki habang sila pa.
“Masakit. Nang dahil sa pareho kaming busy at halos wala na kaming oras para sa amin ay naisipan niya ang ganun, grabe. Mabuti pang naging totoo na lang yung bintang niya para hindi ko nararamdaman ang ganito,” umiiyak na pahayag ng sexy actress.