DYARYO TIRADA
Andrea Brillantes at Bea Borres, kasado ang ‘giyera patani’
Sa kasalukuyan, kasado ang giyera patani sa pagitan nina Andrea Brillantes at Bea Borres. Hindi lamang matalik na kaibigan kundi magkapatid na ang turingan nina Blythe at Bea. Ang nakakaloka, lalaki ang dahilan kaya hindi magkasundo ang mag-friendship, huh!
Walang halong pag-iimbit at buong katapatan ang paglalahad ni dalagang ina Borres na super blocked niya ang kanyang amigang si Brillantes kasi nga alam niya na hindi nito bet ang kanyang dating katipan na si Meray Yamada. Hindi maumawaan ni Blythe kung bakit nakikipagmabutihan muli si Borres kanyang tagapag-abuloy ng tamod na iniwan umano siya pagkatapos na mabuntis.
Paliwanag naman ni Borres: “Kahit ano pa kasi ang nangyari sa amin, may soft spot pa rin sa akin ang ex ko, na daddy ng baby ko.” Walang panahon ang mama ni Victoria Hope na pigilan ang hindi pa pala tuyo niyang damdamin para kay Yamada.
Aniya pa: “Hindi ko ikinaila na stubborn ako at all heart pagdating sa pag-ibig. So far, nagsusustento naman siya sa baby.”
Ang mga vlog follower ni Borres, mga kunsintodor rin in a major, major way kasi nga tumaas ang monetization sa vlog nito dahil sa mga eksena na may special participation si young master Yamada. Ang kiyeme latik ni Borres sa pangyayari eh ayaw na sana raw niya itong ituloy pero kailangan niyang gawin hanggang makabili siya ng asset.
Mensahe niya sa kanyang BFF kuning, “Sis, I know naman like what you’re saying, totoo naman.Hindi ko naman dine-deny. Totoo naman talaga lahat. I just really wanna buy something hanggang sa mabili ko, promise I’ll stop na.”
Sa panig naman ni Blythe, ang dramarama nito eh normal na raw sa kanila ang magkaroon ng ‘di pagkakaunawaan pero sa huli ay pinipili pa rin nila ang isa’t-isa.
Ang tanong of national importance, paano kung dahil sa special participation na ito ni young master Yamada sa mga vlog ni Borres, eh may maganap na naman lalo na nga’t kay Bea mismo galing na may “soft spot” pa sa kanyang kaibuturan ang lalaking minsan ay minahal niya? Ilang collab pa kaya ang kailangan nilang gawin para maabot ni Borres ang pangarap niyang asset? At kung sakali mang mas mauna pa niyang maabot ang sanggol number 2 kesa sa asset niyang bet?