Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Miyembro ng Salaguinto criminal gang huli sa Tarlac City

Jonas Reyes · Sep 22, 2026, 12:59 AM

TPPO

Isang miyembro ng Salaguinto criminal gang ang nadakip ng kapulisan sa Brgy. San Roque, Tarlac City, Setyembre 21, 2026.

Ayon sa Tarlac Police Provincial Office, nagsanib-puwersa ang 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Tarlac PPO at iba pang police units upang madakip ang naturang 44-anyos na suspek.

Ang akusado ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Robbery, Qualified Robbery with Unnecessary Violence, sa ilalim ng Article 294(4), kaugnay ng Articles 295 at 296 ng Revised Penal Code, na inisyu ni Hon. Francis William M. Espinola, Presiding Judge ng RTC Branch 112, Camiling, Tarlac, noong Agosto 5, 2026 at nakadokumento sa Criminal Case No. 26-131. May inirekomendang piyansang P180,000.00.

Isinagawa ang operasyon ng Tracker Team ng 1st PMFC Tarlac PPO, sa pangunguna ni PLTCOL JULIUS CAESAR D. NOVENO, Force Commander, katuwang ang Tarlac City PS, 304th MC RMFB3, Intel Section ng RMFB3, 1st at 2nd PMFC Zambales PPO, Police Station 3 ACPO, at RIU3 PIT-Tarlac. Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng Target Intelligence Packet (TIP) Control No. I-2026-46-PRO3-TPPO-1STPMFC.

Ang akusado ay ipinaalam ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at kasalukuyang nasa kustodiya ng 1st PMFC para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

"Patuloy nating paiigtingin ang ating intelligence-driven operations at koordinasyon sa iba’t ibang police units upang matiyak na ang mga pinaghahanap ng batas ay mahaharap sa kaukulang proseso ng hustisya,” ayon kay PCol Harry R. Lorenzo III, Provincial Director.