DYARYO TIRADA
Pilipinas, umangat sa PISA 2025
Umangat ang performance ng mga mag-aaral na Pilipino sa 2025 Program for International Student Assessment (PISA) sa tatlong pangunahing asignatura—Reading, Mathematics, at Science.
Nakapagtala ang Pilipinas ng score na 373 sa Science, 371 sa Mathematics, at 367 sa Reading, na pawang mas mataas kumpara sa resulta ng PISA 2022.
Dahil dito, nalampasan ng Pilipinas ang 14 na bansa sa Science, 16 na bansa sa Mathematics, at 18 na bansa sa Reading.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, patunay ang resulta na may kakayahan ang mga mag-aaral na Pilipino na patuloy na umangat at umunlad sa kanilang pag-aaral.