Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Ashley Montenegro, biktima ng maling akala

Alwyn Ignacio · Sep 6, 2026, 6:20 PM

Kabaliw talaga ang mga dalahira at katkaterang totoo, huh.  Ang beauty queen na si Ashley Montenegro, biktima ng maling akala! Pinag-akalaan ito na ang isang transwoman eh siyento-porsiyentong biological female ito. 

Fashion royal na matuyuting si Montenegro kasi nga ang mommy dearest nito ay ang BInibining Pilipinas World 1994 na si Cara Subijano.  Ang papa can you here naman nito ay ang dating male supermodel, artista at host na si Hans Montenegro.

Sa kasalukuyan, ang nagdadag pa lalo sa kanyang istariray ay ang katotohanan na siya ang beloved ni Santino Rosales, ang only begotten song ng mahusay na aktor  na si Jericho Rosales.  Model rin si Santino at super supportive ito sa kaganapan sa buhay ni Ashley.

Ang kabaliw nga eksena kamakailan, habang rumampa ang magsing-iro sa isang yayamaning mall, ang mga inggitera at intrigerang totoo, napagkamalang transwoman si Montenegro. Mat isang mall. May video resibo ang dalawa habang naglalakad. Syempre pa, naipost ang naturang video sa social media. At yun na nga, go for gold ang mga komentong wala sa hulog at kapararakan.

Ilang halimbawa: “Trans po ba yun kasama niya?”, “Mukha ngani trans..”

Siempre pa, may nagtanggol agad-agad sa dalagang may dakilang ganda: “No, hindi siya transwoman. She is super bait.” “Girl yun. MUPH and a commercial pilot.” “Real Girl Yan.”

Engaged na si young master Rosales kay pretty miss Montenro at may chika na ilang kembot at kandirit pa, magpapakasal na ang mga ito.

Maaring ang napipintong pagpapakasal ni Santino ang dahilan kung bakit  wala pag panukala ng kasal  si Jericho Rosales sa minunutya at minamahal nitong si  Janine Gutierrez.

Parang mas bongga kung mag-double wedding na lang ang mag-amang Rosales para mas maligaya lahat.  Pinaka-magandang blushing brides sigurado sina Ashey at Janine pag ganun ang mangyayari, hind ba naman?