Daily Tribune

DYARYO TIRADA

La Salle Greenhills, online classes muna dahil sa security concern

Michael Pingol · Aug 27, 2026, 10:49 PM

Following an investigation into security concerns at La Salle Green Hills on Thursday, 27 August 2026, Mandaluyong Police Chief PCol. Reynan Patam confirmed that a student was responsible for the message that caused the scare after allegedly identifying himself as a shooter. According to Patam, the student sent the message to a classmate, who immediately informed their parents. Photo/Analy Labor — ANALY LABOR

Online muna ang klase sa La Salle Green Hills sa Mandaluyong City para sa mga mag-aaral mula pre-school hanggang Grade 12, kabilang ang Alternative Education, ngayong Huwebes, 27 Agosto.

Ayon sa abiso ng paaralan, ipinatupad ang online learning dahil sa isang security concern na namonitor kagabi.

Dahil dito, isinailalim muna sa safety protocols at on-site investigation ang paaralan bago payagang makapasok ang mga estudyante at iba pang personnel.

Mananatili ang online mode of learning para sa mga nabanggit na grade levels hanggang bukas, Biyernes, 28 Agosto, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng naturang banta.

Inabisuhan naman ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang na patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo ng paaralan para sa anumang susunod na update.