Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Fyang Smith tinilian sa Star Magic All-Star Games

Alex Brosas · Aug 27, 2026, 6:36 PM

NA-BOO nang tuluyan si Fyang. — Facebook

Sinigawan ng Pinoy fans na sumusuporta sa Thai stars si Fyang Smith sa katatapos na Star Magic All-Star Games 2026.

Talagang na-heckle si Fyang kaya naman hindi siya nagpaawat at tinilian din pabalik ang mga supporters ng Thai players.

‘Ang kakapal ng mukha nyo," tili ni Fyang.

Sa  interview nina Fyang at JM Ibarra ay sinabihan ang dalawa na batiin ang audience. Agad na pumalag si Fyang sabay sabi: “Ayoko! Sa ibang bansa nagtsi-cheer ang mga yan! 

Napa-smile na lang si JM sa inasal ng dalaga na hindi talaga nagpaawat at tumili muli: “Ang kakapal ng mukha nyo!”

“Ang ingay nyo! Teka lang! Ano ba kayo? Grabe kayo! Hindi n’yo man lang tsini-cheer ang bansa natin!" say pa niya.

At dahil diyan, na-boo na nang tuluyan si Fyang.