DYARYO TIRADA
Pilipinas, nanguna bilang pinakamagandang retirement destination sa buong mundo
Opisyal nang kinilala ang Pilipinas bilang number one retirement destination sa buong mundo para sa taong 2026, ayon sa Retirement Abroad Index 2026 ng isang international expatriate group.
Nanguna ang Pilipinas sa 20 bansang kasama sa ranking, tinalo ang mga sikat na retirement destinations tulad ng Thailand, Spain, at France.
Nakakuha ang bansa ng 78 puntos, na iniuugnay sa abot-kayang halaga ng pamumuhay, accessible na visa requirements, maayos na healthcare services, at matatag na expat communities.
Ayon kay Tourism Secretary Dita Angara-Mathay, patunay ang pagkilalang ito sa patuloy na pagsisikap ng Pilipinas na maging mas ligtas, accessible, at kaaya-ayang destinasyon para sa mga turista at dayuhang retirado.