Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Guro, dinukot ng 2 armadong lalaki sa Lanao del Sur

Michael Pingol · Aug 13, 2026, 10:50 PM

PNP confiscates smuggled cigarettes worth Php 4.4 million and arrested 3 suspects after intercepting 3 vehicles during a checkpoint operation in Lanao Del Sur. — DAILY TRIBUNE images

Isang guro ang dinukot sa bayan ng Maguing, Lanao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Baesarome Bagul, isang guro sa Manungon Elementary School sa nasabing bayan.

Batay sa ulat ng Maguing Police Station, pasado alas-2 ng hapon nang maganap ang pagdukot sa bahagi ng Barangay Lilod.

Sakay umano ng tricycle ang biktima nang harangin ito ng isang kulay pulang SUV sa isang masukal na kalsada. Pwersahan umano siyang kinuha ng dalawang armadong lalaki at isinakay sa sasakyan.

Patuloy ang hot pursuit operation ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matukoy ang kinaroroonan at mailings ang dinukot na guro.

Ayon sa Maguing PNP, mayroon na umanong pagkakakilanlan ang isa sa dalawang suspek matapos itong makilala ng ilang nakasaksi sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente.