Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Liza Soberano, braless kung braless!

Alwyn Ignacio · Aug 10, 2026, 2:34 PM

Liza Soberano shares inspiring journey — Liza Soberano / Instagram

Sa totoo lang, hindi pwedeng kabugin at ideklarang laos ang natatanging si Lisa Soberano. Kasi nga may panghalina itong natatangi, check.  May talent sa pagbibigay puso at sinseridad sa kanyang mga katauhang binibigyang buhay sa mga pelikula at palatuntunan sa telebisyon, double check. At talaga namang may dakila itong ganda.

Patotoo sa kanyang kagandagang walang  katulad ay ang photos niya sa isang pangmalakasang fashion magazine kung saan kasama niya si H.E.R. na Filipina-American singer na ang tunay na pangalan ay Gabriella Sarmiento Wilson. Silang dalawa ni binibining Sarmiento ang boses nina Raissa (Soberano) at Jo (H.E.R) sa animation full length feature  “Forgotten Island) na ipapalabas sa mga sinehan sa 26 Setyembre.

Isa pang patotoo sa kanyang walang katulad na kagandahan, pabukosa ang  ang pagrampa ni Soberano para sa isang sikat na international brand ng mga damit at accessories na nangyari kamakailan.

Mega-trending ang black and white photo niya na nakalabas ang suot na underwear at braless na natakpan ng black blazer.  Ganiyan talaga ang tamang pagkilos ng ayon sa ganda, hindi ba naman!

Kung sa iba lang at ganyan ang suot,  lalong-lalo na sa kasapi sa starlets of celestial proportions pangkat at pulutong ng micro-mini starletitas, tiyak na ‘di bagay sa mga hiltsa nila at mahalay tingnan pag ang ganiyang hitad ang aawra, huh.

Pero dahil si Liza ‘yan, pang super model of the whole wide universe ang galawan, hindi nakakaalibadbad at siyento porsiyente na hindi malaswang sa paningin.  Pag si Soberano, fashion kung fashion ang braless kung braless moment. Sa true lang.

Isang netizen na super tutok sa mga career paandar ni Liza, ang rekasyon sa kanyang pagrampa sa catwalk ay:

“Classy pa din kahit medyo sexy.”

Ang inyong Chika Diva kolumnista ay buong puso ang pananalig na magiging malaking tagumpay sa takilya, pupurihin ng mga kritiko, susuportahan, panonoorin at yayakapin ang animated movie na “Forgotten Island.” Maliban kasi sa boses ni Liza,  may mga sangkap ito na tungkol sa kulturang Pilipino, pati na rin ang mga natatanging nilalang na nagpapakulay sa mitoliya at kwentong sariling atin.

Tiyak na tiyak na mas marami pang mga natatanging oportunnidad at tagumay ang makakamit ni Liza Soberano sa kanyang karera sa ibang bansa.