DYARYO TIRADA
6 katao sawi kay 'Maymay'
Tinatayang nasa anim ang nasawi sa landslide na dulot ng malalakas na pag-ulan mula sa ngayo'y low pressure area na si Maymay, na pinalakas pa ng habagat.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), dalawa ang unang naitalang nasawi dahil sa rockslide sa Rodriguez, Rizal. Kinilala ang mga ito bilang magkapatid na 20 at 22-anyos mula na taga Barangay San Fernando.
Dalawang cook naman ang pumanaw sa La Trinidad, Benguet matapos matabunan ang bulaluhan na kanilang pinagtatrabahuhan sa Barangay Shilan. Tinukoy ang mga ito bilang sina Binay-an Agbuya, 55, at Lemar Gawiden Ciano, 31 habang ang isa pa nilang kasamahan ay natabunan din ngunit naunang mailigtas.
Samatala, dalawa naman ang nasawi sa pagkalunod sa Luna, La Union at sa Alaminos, Pangasinan.