DYARYO TIRADA
Pinas, nasungkit ang ikalawang Supranational crown
Nagningning muli ang Pilipinas sa Miss Supranational stage matapos angkinin ni Katrina Llegado ang korona matapos ang labing tatlong taon.
Pinamangha ni Llegado ang mga hurado sa question and answer potiion matapos tangunin: "Please tell us the moment you stopped trying to become the woman the world expected and started becoming woman you’re really meant to be.”
“I always believe that we should never fit into a mold. We are perfectly imperfect. I am someone who struggles [with] perfection, but I’m here today doing my best and becoming my the best version of myself. And here in Miss Supranational, I know [there is] a place for me, and this is becoming Supra—above and beyond,” sagot naman ng beauty queen.
Gamit ang kaniyang empowering na sagot, kasama ang kabuuang mahusay niyang performance, tuluyang naging ikalawang pinay si Llegado upang maiuwi ang panalo sa naturang pageant.
Bilang Miss Supranational 2026, si Llegado rin ang unang magsusuot ng Fioletowa crown na ngayong taon pa lamang inilabas.
Samantala, unang nasungkit ng bansa ang titulo noong 2013 ni Mutya Johanna Datul bilang unang bansa sa asia na manalo sa patimpalak.