Daily Tribune

DYARYO TIRADA

'Hindi kami naniniwala sa mga Lord!' Padilla may banat kay Lourd De Veyra?

James Pacala · Jul 27, 2026, 6:16 PM

Binanatan ni Senador Robin Padilla ang media brodkaster na si Lourd De Veyra, matapos itong maglabas ng open letter-video patungkol sa mga sinasabi ng senador sa impeachment proceedings ng Bise Presidente.

Ayon kay Padilla hindi umano sila naniniwala sa mga Lord o mga Diyos-diyosan, dahil sa kanilang relihiyon na Islam.

“Pakiramdam niya Lord siya? Alam mo, galit kami sa mga diyos-diyosan. Bawal sa Islam ang diyos-diyosan, kaya hindi kami naniniwala sa mga Lord!” bulta niya.



Giit din ng senador, wala naman umanong kinalaman ang kanyang staff sa mga komento at katanungan sa gumugulong na impeachment, at tanging sa kanya lamang galing ang mga ito, hindi umano niya idadamay ang mga ito dahil ito daw ay politikal.

“Iyang impeachment na iyan lahat po ng sinasabi ko diyan, akin galing, hindi ako humihingi ng tulong sa mga abogado ko, kasi ayaw ko silang madamay. Kasi alam ko political yan eh, kaya ayoko pong maipit yung mga tao ko sa opisina, sarili ko po iyan,” sambit ni Padilla.

Matatandaan na naglabas ang media brodkaster na ng open letter para sa mga staff ni Padilla, na tulungan umano ang senador sa paglalabas ng tamang impormasyon bilang siya ay isang senator-judge.

“Dear staff, you have the duty to protect his image and credibility. Tell him when he is venturing outside of his expertise," saad ni Lourd.

Kamakailan, naging maingay ang mga salita ng senador patungkol sa prosecusyon na “one-sided” umano sa impeachment trial.