Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Indiano nakipag-wrestling sa leopard

Marie Cris Estrada · Jul 25, 2026, 8:30 AM

Photo courtesy of Asia One

Nakipagbuno ng lakas ang isang lalaki kontra leopard na biglang pumasok sa liquor store na kaniyang pinagtatrabahuhan sa Rajasthan, India.

Biglang inatake ng hayop ang walang malay na bantay na magaasikaso sana ng accounts ng tindahan.

Lumaban naman ang lalaki at saglit na nakipagbunuan bago magawang maitulak palayo ang leopard dahilan para mabilis siyang makapuslit palabas at ikulong sa loob ang hayop.

Agad namang rumesponde ang Forest Department rescue team na tinranquilize ang leopard bago ito inalis sa lugar.

Ayon sa may-ari ng tindahan, nagtamo ng ilang sugat ang lalaki sa mukha, dibdib, at magkabilang balikata ngunit nasa maayos na sitwasyon naman.