Daily Tribune

DYARYO TIRADA

2 patay, 1 sugatan sa hit-and-run sa Cavite

Marie Cris Estrada · Jul 25, 2026, 10:16 AM

CCTV footage gabi ng insidente, 22 Hulyo. — Screen capture from Rogeña Dollisin-Martinez

Dalawa ang nasawi habang isa ang sugatan matapos salpukin ng humaharurot na sasakyan sa kahabaan ng Sta. Rosa - Tagaytay road sa Barangay Pasong Langka, Silang, Cavite.

Base sa CCTV footage, naganap ang insidente noong 22 Hulyo bandang alas siyete ng gabi. Magkasamang tumatawid ang tatlong biktima nang mabangga ng tuloy-tuloy na sasakyan dahilang upang tumilapon ang mga ito. Ang isa sa kanila, dalawang beses pa nagulungan matapos tumalsik malapit sa kabilang linya ng kalsada.

Ayon sa isang report, kinilala ang mga nasawi na 43-anyos na babae at 18-anyos na workinf student habang ang sugatan naman ay 26-anyos na kasalukuyang nasa hospital pa.

Nananawagan ang mga kaanak ng biktima na tulungan sa mga nakatunghay ng insidente na tulungan ang pulisya at opisyal ng barangay na agarang matunton ang suspek na kasalukuyan pa ring hinahanap.