Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Brownies na may marijuana nasamsam sa Cavite

Marie Cris Estrada · Jul 22, 2026, 11:06 AM

Photo Courtesy of National Criminal Lawyers

Dalawang parcel ng hinihinalang marijuana brownies ang nasabat ng Phillipine Drug Enforcemnt Agency (PDEA) sa 32-anyos na lalaki sa General Mariano Alvarez, Cavite.

Base sa ulat ng PDEA, dalawang parcel ang nakumpiska sa suspek at tinatayang nagkakahalaga ng P6,000.

Narekober din ang 60 gramo ng marijuana na may halagang aabot ng P7,500.

Ani PDEA, mas pina-iigting nila ang operasyon laban sa drug operations na gumagamit ng parcel services upang magpuslit ng ipinagbabawal na gamot.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Republic Act of 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002 ang suspek.