DYARYO TIRADA
Nalalapit na SONA, apektado sa impeachment trial ni VP Sara; budget, mababa rin
Simple at low-key ang magiging pagdaraos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa ika-27 ng Hulyo, ayon kay House Secretary General Atty. Cheloy Garafil.
Sinabi ni Garafil na mas mababa ang inilaan na pondo para sa SONA ngayong taon kumpara sa mga nakalipas na taon.
Inamin din niya na naapektuhan ang kanilang paghahanda dahil sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.