Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Bea Alonzo at Vincent Co, pribadong ikinasal

Louisse Kalingag · Jul 14, 2026, 11:44 PM

Ikinasal na ang aktres na si Bea Alonzo at negosyanteng si Vincent Co sa isang pribado at intimate na civil ceremony sa Makati.

Ayon sa ulat ng Abante, anim na katao lamang ang dumalo sa kasal, at wala umanong miyembro ng pamilya ng magkabilang panig ang naroon sa seremonya.

Kinumpirma ni Makati City Mayor Nancy Binay ang kasal sa Abante, matapos siyang magsilbing solemnizing officer ng seremonya.

Batay rin sa impormasyon, tanggap ng pamilya ni Vincent Co ang aktres.