DYARYO TIRADA
35 turista, stranded sa Batanes dahil sa malakas na hangin ni Inday
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight dahil sa malakas na hanging dala ng Bagyong Inday habang papalabas ito ng bansa.
Patuloy ang pagkilos ng bagyo patungong China habang hinihila ang hanging Habagat. Sa kabila nito, wala namang naiulat na nasawi dahil sa bagyo.
Samantala, ayon sa pinakahuling ulat, inalis na ang Wind Signal No. 1 sa Batanes. Gayunpaman, nagbabala ang PAGASA na mag-ingat pa rin dahil sa katamtaman hanggang sa malalakas na ulan sa Negros, Western Visayas, at Metro Manila hanggang sa Lunes ng hapon. Matitinding pag-ulan naman ang mararanasan sa Ilocos, kanlurang bahagi ng Cordillera, Central Luzon, at MIMAROPA hanggang sa Martes ng hapon.