Daily Tribune

DYARYO TIRADA

P85 dagdag-sahod sa Metro Manila, epektibo simula Hulyo 19

Michael Pingol · Jul 1, 2026, 6:17 PM

Photo courtesy of PNA

Mayroong P85 na dagdag sa minimum na sahod sa Metro Manila, na inaasahang makikinabang ang mahigit isang milyong minimum wage earners.

Inanunsyo ito ni Labor Secretary Francisa Tolentino matapos aprubahan ang P85 na umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Ayon kay Secretary Tolentino, ang makasaysayang wage increase ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pang gastusin ng mga manggagawa.

Nilinaw rin ng kalihim na ang P85 na umento ay ipatutupad sa dalawang yugto. Ang unang dagdag na P60 ay magiging epektibo simula Hulyo 19, habang ang natitirang P25 ay ipatutupad sa susunod na itinakdang petsa.