Daily Tribune

DYARYO TIRADA

Higit 10,000 nakiisa sa INC Rally, ayon sa PNP

Michael Pingol · Jun 30, 2026, 10:03 PM

(June 30 2026) Around nine thousands of Iglesia Ni Cristo (INC) members held an emergency rally at the People Power Monument along EDSA in Quezon City on Tuesday June 30 2026, to show support for Senator Rodante Marcoleta and to protest against corruption in the government. Photo/Analy Labor — ANALY LABOR

Mahigit 10,000 katao ang nakiisa sa isinasagawang rally ng Iglesia ni Cristo.

Ayon sa tala ng Philippine National Police (PNP), tinatayang 10,500 katao ang nagtipon sa bahagi ng EDSA People Power Monument, habang nasa 300 naman ang dumalo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Dakong alas-5:00 ng madaling araw nang ipatupad ang full alert status sa buong Metro Manila, Central Luzon, at CALABARZON. Kaugnay nito, halos 6,000 pulis ang idineploy upang tiyakin ang kaayusan at seguridad sa mga lugar na may aktibidad.