DYARYO TIRADA
4 raliyista arestado, 2 pulis sugatan sa protesta sa EDSA
Inaresto ang apat na raliyista habang dalawang pulis ang nasugatan sa kasagsagan ng protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa EDSA People Power Monument nitong Martes.
Kabilang sa mga inaresto ang drayber ng isang bus na umano'y sinadyang mag-atras-abante sa northbound lane ng EDSA sa White Plains.
Ayon kay NCRPO Director Major General Anthony Aberin, naipit ang isang babaeng pulis sa insidente at agad itong isinugod upang mabigyan ng kinakailangang medikal na atensyon.
Inaresto rin ang isang lalaki na umano'y nanakit ng isang pulis na nakatalaga sa lugar.