DYARYO TIRADA
Guro, kinasuhan dahil sa umano'y pang-aabuso sa mga estudyante
Isang guro sa Parañaque City ang nahaharap sa mga kasong acts of lasciviousness at paglabag sa Anti-Child Abuse Law matapos ang umano’y pang-aabuso sa kanyang mga estudyante.
Ayon sa Southern Police District (SPD), nagsimula ang imbestigasyon matapos silang makatanggap ng mga reklamo sa kanilang public complaint hotlines at makakita ng mga social media post na humihiling sa mga awtoridad na imbestigahan ang insidente.
Tumanggi ang SPD na magbigay ng karagdagang detalye tungkol sa kaso at hindi rin isinapubliko ang pagkakakilanlan ng guro at ng mga estudyanteng umano'y biktima, bilang paggalang sa kanilang privacy.
Sinabi ng pulisya na nakipag-ugnayan na sila sa mga pamilya ng mga biktima, gayundin sa mga administrador ng paaralan at mga opisyal ng Department of Education (DepEd), upang beripikahin at masusing imbestigahan ang mga alegasyon.