DYARYO TIRADA
Venezuela, nagdeklara ng state of emergency
Nagdeklara ang pamahalaan ng Venezuela ng National State of Emergency matapos yanigin ng dalawang magkasunod na malalakas na lindol ang bansa noong Hunyo 24.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), nagtala ng magnitude 7.2 at magnitude 7.5 na pagyanig na nakaapekto sa Caracas, ang kabisera ng Venezuela.
Dahil dito, ilang gusali ang naiulat na gumuho at maraming bubong ang bumagsak sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa kasalukuyan, hindi pa tiyak ang bilang ng mga nasawi o nasugatan. Tinatayang mahigit walong milyong katao ang naapektuhan ng magkasunod na malalakas na lindol.