Binura na ni Claudia Barretto sa kanyang tunay na pangalan ang apelyido ng kanyang ama na si Dennis Padilla.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Padilla ang dokumentong natanggap niya na naglalahad ng pagtanggal ng “Baldivia” sa pangalan ni Claudia.
Malungkot pero iginalang ni Dennis ang naging desisyon ng anak.
"Love you, Claui. I respect your decision, malungkot lang talaga," giit nito sa post.
Si Claudia ang ikalawang anak nina Padilla at Marjorie Barretto.