Inaasahan ang malaking rollback sa presyo ng gasolina at diesel ngayong linggo.
Ayon sa ilang lokal na fuel retailer, posibleng bumaba ng P7.50 hanggang P8.50 kada litro ang presyo ng diesel, habang tinatayang nasa P4.50 kada litro naman ang magiging bawas sa presyo ng gasolina.
Ang inaasahang pagbaba ng presyo ay dulot ng pagtaas ng kumpiyansa ng merkado sa nalalapit na peace agreement sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
Ang pinal na price adjustment ay ipatutupad bukas, araw ng Martes.