Sinubukan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na mag-disguise upang hindi makilala, ngunit nabigo rin ito dahil nakilala pa rin siya ng mga tao.
Ayon sa senador, minsan ay nagpakarga siya ng gasolina habang naka-disguise, ngunit agad siyang nabuking nang magsalita at makilala ng gas attendant ang kanyang boses.
Ikinuwento rin ni Dela Rosa ang umano’y habulan sa Senado matapos siyang pigilan at harangin ng mga ahente ng NBI sa basement at parking area ng gusali, dahilan upang mapatakbo siya para umano sa kanyang kaligtasan.