SECRETARY Sharon S. Garin PHOTO courtesy of Sharon S. Garin/FB
DYARYO TIRADA

Pagbaba ng presyo ng petrolyo, posibleng magpatuloy

Michael Pingol

Inaasahang magpapatuloy ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Gayunpaman, inamin ni Energy Secretary Sharon Garin na walang katiyakan kung magiging kasinglaki ng mga susunod na rollback ang mga naunang ibinaba, lalo na sa diesel.

Ayon kay Garin, hindi niya inaasahang babalik sa malapit na hinaharap ang dating presyo ng mga produktong petrolyo bago sumiklab ang sigalot sa Gitnang Silangan.