Mamamayang Liberal Party Rep. Leila De Lima. Leila De Lima.
DYARYO TIRADA

De lima, nais paigtingin ang pagpapalawak sa service contracting

Michael Pingol

Nanawagan si Leila de Lima na palawakin ang service contracting program upang matiyak ang mas matatag na kita ng mga tsuper at maayos na serbisyo sa gitna ng pagtaas ng presyo ng krudo.

Sa House Resolution No. 913, hinikayat niya ang DILG, DOTr, at LTFRB na repasuhin at ayusin ang implementasyon nito.

Aniya, nalulugi ang maraming tsuper dahil sa mahal na diesel at kakulangan ng ayuda, habang suspendido pa ang umento sa pamasahe. Bagama’t nakakatulong ang programa sa pagbibigay ng tiyak na kita, may mga hamon pa rin sa pagpapatupad.

Gayunpaman, kinilala rin ni De Lima ang ilang hamon sa pagpapatupad ng programa, kabilang ang pagtutol ng ilang operator, mga isyu sa pamasahe, at limitasyon sa kapasidad ng mga institusyon. Dahil dito, iginiit niya ang pangangailangan ng mas komprehensibong suporta sa polisiya.

Naghain din siya ng iba pang resolusyon upang imbestigahan ang pagtaas ng presyo ng diesel at ang epekto nito, at iminungkahi ang mga hakbang tulad ng VAT suspension sa petrolyo at dagdag na subsidiya para sa apektadong sektor.