DYARYO TIRADA
Mamimili ng uling, dumami dahil sa mataas na presyo ng LPG
Dumami ang mga mamimili ng uling sa Blumentritt Market sa Maynila matapos ang malakihang pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas o LPG.
Ayon sa ilang vendor, ginagawa ito ng mga tao bilang paraan ng pagtitipid dahil mas mura ang isang sako ng uling kumpara sa LPG.
Dahil sa pagtaas ng demand, tumaas na rin ang presyo ng bawat sako ng uling.