SENATOR Francis “Kiko” Pangilinan 
DYARYO TIRADA

Agri-Agra Team, bumuo ng task force

Michael Pingol

Itinatag ang Agri-Agra Team upang magbantay at tumugon sa epekto ng krisis sa Middle East, lalo na sa food security, sektor ng agrikultura, at ekonomiya.

Ayon kay Senate Committee on Agriculture Chairman Sen. Kiko Pangilinan, binubuo ang nasabing team ng Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, at mga kinatawan mula sa Senado, Kongreso, at mga lokal na pamahalaan (LGUs).

Layunin ng task force na magtulungan sa pagbabantay at paghahatid ng ayuda, suporta, at iba pang tulong sa mga sektor na apektado ng oil crisis.

Dagdag pa ni Pangilinan, napagkasunduan din na isulong ang isang Bayanihan-type na supplemental budget, katulad ng Bayanihan As One na naaprubahan noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Kabilang sa mga probisyon nito ang pansamantalang pagsuspinde o pagpapaliban ng pagbabayad ng interes sa mga loan o pautang habang nasa gitna ng krisis ang bansa.