PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. holds a briefing to update the government on its steps to protect Filipinos from the impacts of rising global oil prices caused by the war in the Middle East and the disruption of shipments through the Strait of Hormuz, at the Kalayaan Hall in Malacañang. PHOTOGRAPH by Yummie Dingding for DAILY TRIBUNE
DYARYO TIRADA

PBBM, tiniyak na sapat ang suplay ng krudo sa bansa

Michael Pingol

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may sapat na suplay ng krudo ang Pilipinas hanggang ika-30 ng Hunyo.

Ayon sa kanya, ito ay batay sa kanyang pakikipag-usap kay Petron President at CEO Ramon Ang tungkol sa patuloy na pagpasok ng suplay ng langis sa bansa.

Dagdag pa ng pangulo, tiniyak ng pinuno ng kumpanya na hindi magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng langis ang bansa sa kabila ng umiiral na pandaigdigang krisis.