DYARYO TIRADA
Australia nagbukas ng scholarship applications para sa mga Pinoy
Binuksan na ng pamahalaan ng Australia ang aplikasyon para sa prestihiyosong Australia Awards Scholarship, na nagbibigay ng oportunidad sa mga Pilipinong propesyonal na makapag-aral ng master’s degree simula taong 2027.
Inaanyayahan ni Australia Ambassador to the Philippines Marc Innes-Brown ang mga Pilipinong lider mula sa pampublikong serbisyo, pribadong sektor, at civil society na mag-apply sa nasabing programa.