Meralco announces P0.3557 per kWh cut in December power rates. DAILY TRIBUNE image
DYARYO TIRADA

Meralco, may taas singil ngayong Marso

Michael Pingol

Inanunsyo ng Meralco na magkakaroon ng 64 sentimong pagtaas sa singil kada kilowatt-hour (kWh) sa kuryente ngayong buwan ng Marso.

Ayon kay Meralco spokesperson na si Joe Zaldarriaga, ang pagtaas na ito ay dulot ng generation at transmission charges, at hindi pa epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Ang naturang dagdag-singil ay tinatayang katumbas ng humigit-kumulang P129 na pagtaas sa buwanang bayarin ng isang sambahayan na kumokonsumo ng 200 kilowatt-hour (kWh) ng kuryente.