Walang takot na inamin ni Alvin Aragon sa isang TikTok post na nagkaroon siya ng maraming experience noon sa mga bading.
"Nagkaroon ako ng maraming experiences sa iba’t ibang bading until pinagkakitaan ko ito," say ni Alvin.
"Tapos, napasok ako sa showbiz. Nagkaroon ako ng experiences na ka-s*x ang mga bading na host, reporter, manager. Pati 'yung mga mayayaman na bading," dagdag niya.
Dahil sa kanyang pagpatol sa mga bading, inakala ni Alvin na bading na rin siya.
"Because I did that always, I can say bading na rin ako, until my friend corrected me. I need to ask for forgiveness.
"I asked the Lord Jesus, forgive me. I cried out to Him. Sabi ko, 'Lord, I’m sorry.'
"Natakot ako kay God, nag-repent ako. Nag-believe ako sa gospel and I received forgiveness from the Lord," paliwanag niya.