NORMAN Mangusin 
DYARYO TIRADA

Vlogger na gumamit umano ng police uniform, inaresto sa Pasay City

Michael Pingol

Inaresto ng Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang vlogger na si Norman Mangusin, na kilala rin bilang Francis Leo Marcos, matapos maglabas ng warrant of arrest ang Parañaque Regional Trial Court laban sa kanya.

Ang arrest warrant ay kaugnay ng maraming bilang ng kasong Unjust Vexation.

Batay sa tala ng korte, nahaharap si Mangusin sa iba’t ibang kaso dahil sa umano’y paglabag sa Article 287 ng Revised Penal Code kaugnay ng Section 6 ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Naantala ang kanyang Facebook Live habang siya ay kumakain sa loob ng isang hotel nang biglang dumating ang mga ahente ng PNP-CIDG upang isilbi ang warrant of arrest. Agad na itinigil ang live broadcast matapos siyang arestuhin.