SENATOR Erwin Tulfo Photo courtesy of Senate of the Philippines/FB
DYARYO TIRADA

Pulong ni Tulfo kay Ambassador Jing Quan, naging makabuluhan

Michael Pingol

Naging makabuluhan at produktibo ang pakikipagpulong ni Sen. Erwin Tulfo kay Chinese Ambassador Jing Quan sa gitna ng umiinit na tensyon sa pagitan ng mga opisyal na inihalintulad sa isang “world war.”

Kasama ni Tulfo sa naturang pagpupulong si DFA Secretary Teresa Lazaro.

Ayon kay Tulfo, nagkasundo sila ni Quan na paiigtingin ang mga diplomatic meetings sa halip na hayaang lumala ang sigalot kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea.

Tinalakay rin sa kanilang pag-uusap ang nalalapit na pagtatapos ng code of conduct na binubuo sa pagitan ng China at mga bansang kasapi ng ASEAN.