Para kay Benedicto “Benny” Marra, ang pangingibang bansa ay hindi kailanman naging tungkol sa marangyang pamumuhay. Tulad ng maraming overseas Filipino workers, ang kanyang mga taon sa Riyadh, Saudi Arabia ay umikot sa sakripisyo, disiplina, at walang tigil na pagtatrabaho para sa pamilya.
Isang mekaniko, mahigit dalawang dekada siyang nagtrabaho sa ibang bansa, maingat na nag iipon at patuloy na nagtitiwala sa BDO bilang katuwang sa pananalapi.
“Life abroad is demanding, maraming hirap at na aksidente pa ako. Pero kinaya ko lahat ng sakripisyo,” ani Benny.
Sa kabila ng distansya, nanatiling prayoridad ang pag iipon. Aniya, malaking bahagi ng kanyang buhay OFW ang pagkakaroon ng maaasahang bangko.
“Nirekomenda ng kasama ko sa trabaho ang BDO kaya nag open ako ng account. Noong pandemic, anytime, anywhere, gamit ko ang mobile banking para tuloy lang ang padala. Tapos, pag nauwi ako, tuwing pupunta sa branch, ang ganda ng salubong sa akin ng mga staff, parang VIP. Talagang ramdam ko na katuwang ko ang BDO.”
Noong bakasyon niya nitong Disyembre, isang simpleng transaksyon lamang sana ang pakay niya sa bangko. Nais lang niyang i convert ang kanyang remittance. Ngunit doon, hinikayat siya ng branch staff na magbukas ng Kabayan Savings Account na may ATM access upang mas maging maginhawa ang pamamahala ng kanyang pondo.
Doon din niya nalaman ang tungkol sa Holiday Million Rewards Raffle ng BDO.
Hindi umano siya mahilig sumali sa mga promo, ngunit pumayag matapos maipaliwanag nang maayos ang proseso, kabilang ang pag download ng BDO Pay app at pag activate ng BDO Rewards.
“There was nothing to lose by joining so I said yes, but honestly, I didn’t expect to win anything.”
Ilang linggo ang lumipas, isang tawag ang kanyang natanggap na hindi niya inaasahan.
Sa una, inakala niyang isa lamang siyang minor prize winner. Ngunit kalaunan, nalaman niyang siya ang grand winner ng P1 milyon halaga ng BDO Rewards Points.
“Natulala ako. I kept asking if it was real,” kuwento niya. “When I finally understood what I had won, I felt overwhelming joy and gratitude.”
Malinaw na ang plano ni Benny para sa napanalunan. Aniya, gagamitin niya ang rewards sa SM Store at SM Appliance Center, lalo na’t kasalukuyan niyang inaayos ang kanilang bahay sa Pangasinan. Bahagi rin ng biyaya ang ilalaan niya sa pag iipon para sa retirement at sa pagkuha ng BDO Life policy para sa kanyang apo.
“With BDO’s support and this blessing, I feel more secure about the future.”
Ayon kay BDO Executive Vice President at Head of Branch Banking Cora A. Mallillin, sumasalamin ang karanasan ni Benny sa layunin ng bangko.
“At BDO, we believe that saving should always be rewarding. Our products, services and promotions like this one are all designed to reward loyal clients like Benny who trust us with their hard earned money.”
Malapit nang bumalik si Benny sa Riyadh upang ipagpatuloy ang pagtatrabaho. Ngunit sa pagkakataong ito, dala niya ang isang paalala na ang tiyaga sa pag iipon ay maaaring humantong sa hindi inaasahang biyaya.
Tungkol sa BDO
Ang BDO Unibank, Inc. ay isang full service universal bank na nag aalok ng iba’t ibang serbisyong pang banking, kabilang ang loan at deposit products, treasury, trust banking, investment banking, private banking, remittance, life insurance, credit cards, at digital banking solutions.
Mayroon itong mahigit 1,800 branches at 5,900 teller machines sa buong bansa, pati na mga international offices.
Ang BDO ay regulated ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ang deposits ay insured ng PDIC hanggang P1 Million kada depositor.