Humingi ng paumanhin ang Australian sports reporter na si Danika Mason matapos maging viral ang kanyang slurred live cross mula sa Winter Olympics.
Noong 18 Pebrero 2026 sa Today show ng Channel Nine, kitang-kita ang pagkalito ni Mason habang nag-uulat, kabilang ang pagsabi niya na walang ka-relate-relate sa balita, “I’m not sure about the iguanas. Where are we going with that one?” Tinalakay rin niya ang presyo ng kape at nahalo ang pagbanggit sa U.S. at U.K. bago tuluyang nagkalito sa natitirang bahagi ng ulat.
Sinabi ni Mason sa kanyang sumusunod na live report na na-“misjudge” niya ang pag-inom bago ang segment. Binanggit niya rin ang lamig, altitude, at hindi pagkain ng hapunan bilang dahilan. “I want to take full responsibility, it’s not the standard I set myself,” ani Mason. “I’m genuinely really sorry, and I’m thanking everyone for those messages I’ve received as well.”
Nagkomento si Karl Stefanovic, co-host ng Channel Nine: “Look the cold weather is a thing, right. You can’t actually move your lips.” Sinabi naman ni Jayne Azzopardi, kapwa host: “We know how hard you work, Danika,” habang tinawag siya ni Stefanovic na “legend.”
Pinalakas ni Australian Prime Minister Anthony Albanese ang loob ni Mason, sinasabing maaaring naapektuhan siya ng pagod at jet lag. “Good on her, she’s over in Italy and she would have been tired. It’s the time difference, it would have been having an impact. Nothing to see here,” ani Albanese.
Kilalang reporter si Mason sa National Rugby League at nag-uulat mula Italy sa 2026 Milan-Cortina Winter Olympics. Ang reaksyon sa social media ay halo-halo, may natuwa sa nakakatawang segment at may nagalit sa pagiging unprofessional nito.
Iguana confusion: Sinabi niya, “I’m not sure about the iguanas,” sa gitna ng ulat na wala namang relate sa Winter Olympics.
Coffee commentary: Kinumpara ang presyo ng kape sa gitna ng segment, “Literally like the price of coffee over here is actually fine, it’s more the price of coffee in the US that we’re gonna have to get used to.”
Snow angels: Humiga siya sa lapag at gumawa ng snow angels nang naka-live broadcast
UK vs US mix-up: Napaghalo niya ang pagbanggit sa U.K. at U.S., na nakapagpatawa sa viewers.