Matapos ianunsyo ang kanyang pagtakbo sa halalang pampanguluhan sa 2028, nanawagan si Vice President Sara Duterte sa sambayanang Pilipino.
Sa kanyang talumpati, humingi siya ng paumanhin dahil sa umano’y kabiguan ng kasalukuyang administrasyon na tugunan ang mga suliranin ng bansa, kabilang ang patuloy na paglaganap ng krimen, ilegal na droga, at terorismo.
Binanggit din niya ang talamak na korapsyon, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, kawalan ng katiyakan sa seguridad sa pagkain, at patuloy na paglala ng kahirapan sa bansa.
Partikular ding ipinahayag ni VP Sara ang paghingi ng paumanhin kaugnay ng kanyang pagtulong kay Pangulong Bongbong Marcos upang manalo sa halalang pampanguluhan noong 2022.