Nakaalerto ang Manila Police District (MPD) sa paligid ng Quiapo Church ngayong Ash Wednesday. 18 Pebrero 2026, upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan.
Inaasahan ang pagdagsa ng libu-libong deboto na dadalo sa mga misa at makikilahok sa pagpapahid ng abo sa noo bilang bahagi ng paggunita sa Ash Wednesday.
Isinasagawa ang paglalagay ng abo sa labas ng simbahan matapos ang bawat misa.
Nagsimula ang unang misa kaninang alas-singko ng umaga at magpapatuloy ang mga ito hanggang alas-siyete ng gabi.