SA Quezon City, patuloy na naghahatid ang SM North Edsa, ang unang mall sa Pilipinas na gumagamit ng malinis na enerhiya mula sa rooftop solar photovoltaic systems, ng people-centric at sustainable na retail spaces ng SM Prime. Photo from SM Prime.
DYARYO TIRADA

Kontrata ng Solar Philippines, pinag-aaralan kanselahin

Michael Pingol

Pinag-aaralan na ng Department of Energy (DOE) ang posibilidad na kanselahin ang isa pang kontrata ng Solar Philippines, kumpanyang itinatag ni Batangas Representative Leandro Leviste.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, kasalukuyang sumasailalim sa masusing ebalwasyon ang naturang kontrata, bukod pa sa halos 12,000 megawatts na kontrata ng kumpanya na nauna nang tinerminate ng ahensya.

Hanggang sa ngayon, hindi pa rin umano nababayaran ng solar firm ang P24 bilyong multa sa kabila ng mga naunang inilabas na termination at demand letter ng DOE.